Over vacation ba ang March 2020 mo?

Oh kulang ba sa bakasyon mo noong December? Hay naku nakakaloka naman talaga ang 2020 na ito. Kung pwedeng 2021 na lang agad diba? Ikaw anong ganap mo at naging productive din ba ang life mo ngayong buwan (March)?




View from my unit

Hayst... Salamat naayos ko kahit konte

My simple altar

Sa kabila ng pinagdadaan ng buong mundo sa Pandemic na COVID-19 pwede din natin itong gawing opportunity na gumawa ng mga bagay na mas magiging productive tayo. Huwag laging negatibo at matigas ang ulo na para bang alam na natin ang lahat.

Dati nagpapalaundry ako kasi sabi ko ang hirap maglaba. Pero now natapos ko ang two (2) basket ko ng laundry at nalampaso ko ang floor ko at nakapagpalit ng kurtina tapos napaliguan ko si Junior este ang aso ko.

Aba may pakinabang naman pala eh pero syempre sana matapos na ang delubyo na pinagdadaanan natin kasi kawawa naman yung mga infected and of course ang ating mga frontliners.

Feeling ko tuloy ngayon ang talented ko kasi kahit pagluluto nagagawan ko ng twist eh.
Mixed veggies with bagoong isda from Pangasinan. (Kauuwi lang kasi ni kapitbahay before i-lockdown ang M. Manila)
Tapos kaming magkakapitbahay naging mas close at naging bonding namin ang sharing ng food kasi bawat luto ng isa't - isa may exchange meals. Nakakatuwa kasi may magandang dulot din naman ang lockdown na ito. Wag nyo po isipin na pro-covid ako pero mas pini-pili ko maging positibo.

Food meals from kapitbahay
Pero sa totoo lang mahirap kung malayo ka sa iyong totoong family like me. Mas pinili ko kasi lumayo sa kanila kasi before magkaroon ng lockdown ang Metro Manila may ubo't sipon ako tapos may lagnat din. Pinilit kong magtake ng Vitamin C at gamot sa ubo at sipon. Sabi ko noon, handa naman ako kung talagang time ko na basta safe lang ang family ko. Pero I thanks GOD for healing me at negative naman ako sa COVID-19. Pero of course naka-self quarantine din ako ng 14days. Ayun so far, malakas na ulit ako at wala na akong ubo't sipon. Pero eto lockdown ang buong Luzon.



Hayst! sana matapos na ito kasi nakakabaliw maging productive sa bahay (ha ha ha ha)


Ginger Tea


Everyday kinakausap ko sya (God)

So proud ang aking kapwa Marikeno, sumusunod talaga sa advise. 
I pray and I thank GOD for guiding us. Kaya natin ito dahil TAO TAYO NA ANAK NI GOD KASI VIRUS LANG ANG COVID19.

Magsama-sama tayo't magtulungan. Pero ang malaking tulong natin ay sumunod sa mga advisory ng Gobyerno para mas maging ligtas tayo. Para wala ng madagdag pa. Kaya arya kapwa ko Pinoy! Kaya natin ito!








3 Comments

  1. Yes kami din nakatapos na magpintura, magpaligo ng mga aso rin at puppies tapos now lang kami nakatagal ng bahay na walang labasan. Dito kasi sa makati may mga nagiikot tlg na taga brgy. Super active here. I heard na even in Marikina super ok ng LGUs. Ingat Pobre! I love your blog post kasi positive lang :)

    ReplyDelete
  2. Hi Ate Cora. Thank you po at naappreciate mo ang post kong ito. Goodluck po sa inyo ang laging mag-iingat po kayo (hugs from your Pobreng Byahero).

    ReplyDelete
  3. Salamat Pobreng Byahero. I hope someday mameet ka ng family ko. Ingat too!

    ReplyDelete